Centenarian mula sa EMBO barangay, tumanggap ng ₱100k cash gift

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tumanggap ng ₱100,000 cash gift mula sa Pamahalaang Lungsod ng Taguig ang kauna-unahang centenarian mula sa Enlisted Men’s Barrio o EMBO Barangay buhat nang mapunta sa kanila ang pangangasiwa nito.

Mismong si Taguig City Mayor Lani Caytano ang nagkaloob ng naturang cash gift sa centenarian na si Lola Maura Agripa kaalinsabay ng kaniyang ika-100 taong kaarawan.

Si Lola Maura ay residente ng Barangay Post Proper Southside na naging benepisyaryo ng Caring City agenda ng lungsod para sa mga centenarian.

Sinabi ni Mayor Cayetano na patuloy na makatatanggap ng regalo ang mga senior citizen sa kanilang lungsod habang sila’y nabubuhay.

Maliban sa ₱100,000 cash gift para sa mga centenarian, makatatanggap din ng ₱3,000 hanggang ₱10,000 ang iba pang mga senior citizen sa lungsod.

Binibigyan din sila ng libreng gamot at health care service lalo na yung mga mayroong diabetes, high blood at asthma gayundin ng wheelchair, tungkod at hearing aid sa mga nangangailangan nito. | ulat ni Jaymark Dagala

📷: Taguig LGU

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us