Gun ban violators sa Bicol, pumalo na sa 33

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pumalo sa 33 gun ban violators ang naaresto sa magkakahiwalay na operasyon sa rehiyon ng Bicol para sa unang buwan ng pagpapatupad ng COMELEC Gun Ban mula Agosto 28 hanggang Setyembre 28.

Humantong ang operasyon sa pagkakakumpiska ng 29 na magkakaibang baril, 10 deadly weapons at 302 basyo ng bala. Bukod rito, 28 na reklamo ang naihain sa korte laban sa mga lumabag.

Ang pagkakaaresto sa mga lumabag ay nagresulta sa mas pinaigting na operasyon ng kapulisan sa pangunguna ng Police Regional Office 5 kabilang na dito ang buy-bust operations, pagpapatupad ng mga search warrant at checkpoint.

Ayon kay PRO 5 Regional Director Police Brigadier General Westrimundo D. Obinque, mas paiigtingin pa nila ang pagpapatupad ng gun ban lalo na at nalalapit na ang pagsisimula ng pangangampanya.

Kaya naman umaapela siya sa mga may-ari ng baril na huwag ng dalhin ito sa mga pampublikong lugar. Dahil handa umano ang mga awtoridad na arestuhin ang sino mang lalabag kung kinakailangan.| ulat ni Garry Carl Carillo| RP1 Albay

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us