Nirerespeto ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang pagbasura ng Department of Justice (DOJ) ng isa sa mga reklamo na isinampa nila laban kay Representative Arnulfo Teves.
Sa isang statement, sinabi ni CIDG Director Police Brig. Gen. Romeo Caramat na hinihintay pa ng CIDG ang kopya ng resolusyon ng DOJ, pero ito aniya ay patunay na ang mga suspek sa krimen ay inuusig at hindi ginigipit ng gobyerno.
Gayunman, nilinaw ng CIDG na ang ibinasurang reklamo ay isa lang sa maraming kaso na sinampa nila laban kay Teves.
Ayon kay Caramat, hinihintay pa ng CIDG ang resolusyon ng DOJ sa reklamong Illegal Possession of Firearms and Explosives laban kina Representative Teves at dalawa nitong anak na sina Kurt Matthew at Axel Teves na isinampa nila noong March 15.
Ito’y matapos madiskubre ang matataas na kalibre ng baril, hand grenade, grenade launcher, at assorted ammunition sa kanilang bahay sa Bayawan City, Negros Oriental.
Nauna pa dito ang tatlong counts ng Murder na isinampa din ng CIDG laban kay Rep. Teves at iba pa, kaugnay ng pagpatay kay Board Member Miguel Dungog, Lester Bato, at Pacito Libron. | ulat ni Leo Sarne
???p?????? ?? ??? ?? ????? ??????? ??. ???. ?????, ??????????? ?? ????