Iniulat ng Quezon City Police District ang pagkaaresto ng 817
drug personality at pagkakumpiska ng higit Php 41 Milyong halaga ng illegal drugs sa serye ng isinagawang buy-bust operation sa ikatlong Quarter ng taong 2023.
Ayon kay QCPD Director PBGEN Redrico Maranan, resulta ito ng 458 anti-drug operations na ikinasa ng iba’t ibang police stations at units ng pulisya.
Nakakumpiska ang QCPD ng 5,699.72 gramo ng shabu, 18,442.13 gramo ng marijuana, at 158 gramo ng Kush o high-grade marijuana.
Kabilang sa mga police station na maraming naarestong drug suspect at nasamsam na illegal drugs ay ang Novaliches Police Station, District Drug Enforcement Unit (DDEU), Kamuning Police Station, Talipapa Police Station at Batasan Police Station.| ulat ni Rey Ferrer