Panibagong zipper lane sa Katipunan Ave., bubuksan tuwing rush hour

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sinimulan na ng Quezon City Traffic and Transport Management Department (TTMD) at Metro Manila Development Authority (MMDA) ang dry run ng isa pang bagong zipper lane sa kahabaan ng Katipunan Avenue bilang tugon sa kadalasang problema ng pagbigat ng daloy ng mga sasakyan tuwing morning rush hour.

Partikular na iiral ang dry run ng zipper lane sa Katipunan Avenue – Southbound mula 6:30 AM hanggang 8:00 AM tuwing weekdays, maliban kung holidays.

Ang entrance ng zipper lane ay sa U-turn slot sa harap ng UP Town Center papasok sa innermost lane ng Katipunan Northbound.

Dalawa naman ang exit nito, ang una ay sa harap ng La Vista Subdivision Gate sa Mangyan Street para sa mga patungong Miriam College Gate 5 at 6 sa kahabaan ng Mangyan Street. Ang pangalawa naman ay sa harap ng Miriam College Gate 3 sa Katipunan Avenue.

Paliwanag ng LGU, layon ng bagong zipper lane na mabawasan ang volume ng sasakyan tuwing umaga sa Katipunan Southbound sa may tapat ng Miriam College.

Nakatutok naman ang mga enforcer ng Quezon City at MMDA at mayroon ding mga traffic directional signages upang magabayan ang mga dumadaang motorista sa Katipunan Avenue.

Una nang nagpatupad ang LGU at MMDA ng dry-run ng Katipunan Avenue-Northbound Zipper Lane kung saan sa opening ng center island sa Ateneo Gate 2 inilagay ang entrance habang ang exit ay sa intersection sa harap naman ng Ateneo Gate 3. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us