Mga kandidato sa BSKE, pinaalalahanan ng PNP sa pagkakabit ng poster sa maling lugar

Facebook
Twitter
LinkedIn

Binalaan ng Philippine National Police ang mga kandidato sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa pagkakabit ng campaign materials sa mga ipinagbabawal na lugar.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief, Col. Jean Fajardo, bawal na bawal ang pagkakabit ng campaign poster sa mga tanggapan ng gobyerno dahil nakasaad ito sa guidelines ng Commission on Elections.

Maging sa police stations aniya ay bawal ang campaign materials dahil dapat walang panigan ang PNP sa eleksyon.

Pakiusap ni Fajardo sa mga kandidato, umiwas sa mga bawal, dahil ang simumang lalabag sa Comelec rules sa pangangampanya ay posibleng maharap sa disqualification.

Nabatid na aarangkada ang campaign period sa Oct. 19 hanggang Oct. 28. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us