Presyo ng itlog sa Marikina City Public Market, bahagyang tumaas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tumaas ng hanggang ₱30 ang kada tray ng itlog sa Marikina Public Market kumpara sa iba pang pamilihan na nasa ₱20 ang itinaas.

Sa pag-iikot ng Radyo Pilipinas sa nasabing pamilihan, ang small size na itlog ay nasa ₱210 na ang kada tray mula sa dating ₱180 na kada tray.

Nasa ₱220 naman ang kada tray ng medium size na itlog mula sa dating ₱190 habang ang large size ay nasa ₱240 mula sa dating ₱210 ang kada tray.

Magugunitang inihayag ng Philippine Eggboard Association na hindi na nila inaasahan pang bababa ang presyo ng itlog ngayong taon dahil na rin sa mataas na demand dahil sa papalapit na kapaskuhan. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us