Nagpahayag ng pagnanais si House Committee on Dangerous Drugs Chair Robert Ace Barbers na maging co-author ng resolusyong inihain ni Senior Deputy Speaker Aurelio ‘Dong’ Gonzales para imbestigahan ang nahuling 532 kilos ng shabu sa Mexico, Pampanga kamakailan.
Sa ambush interview ng media kay Gonzales sinabi nitong nakausap na niya si Barbers para maibestigahan ng kaniyang komite ang pagkakasabat ng droga na nagkakahalaga ng ₱3.6 bilyon.
Labis na nababahala ang Pampanga solon sa naturang insidente lalo ay noon lang 2022 ay may nasabat ding malaking halaga ng droga sa Mexico, Pampanga.
Diin ni Gonzales, pilit inaayos ng pamahalaan ang kinabukasan ng mga kabataan ngunit mayroon namang mga pilit itong sinisira.
Dahil sa pinahintulutan naman ang pagsasagawa ng committee hearings kahit naka-break ang Kongreso ay umaasa ang mambabatas na agad itong matalakay. | ulat ni Kathleen Jean Forbes