MMDA, nagbabala sa mga motoristang lalabag sa batas trapiko sa EDSA Bus Carousel

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagbabala ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) laban sa mga motoristang lalabag sa batas trapiko partikular na sa EDSA Bus Carousel Lane.

Ito ay matapos na dumaan ang isang taxi sa EDSA Bus Carousel noong kasagsagan ng baha sa bahagi ng EDSA northbound lane, sa Gate 3 ng Camp Aguinaldo sa Quezon City noong September 23, dahilan para maharangan ang mga bus.

Nais din ng MMDA na maparusahan ang isang motorista na muntika nang makabangga ng MMDA traffic enforcer, at nagtangka pang takasan at dumaan sa EDSA Bus Carousel.

Sumulat na ang MMDA sa Land Transportation Office at Land Transportation Franchising and Regulatory Board, upang patawan ng parusa ang dalawang motorista.

Patuloy naman ang paalala ng MMDA sa mga motorista, na hindi pwedeng dumaan ang mga pribadong sasakyan sa EDSA bus lane, at ito ay itinalaga lamang para sa mga city bus at emergency vehicle. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us