Pumanaw na si Palawan 3rd District Representative Edward Hagedorn sa edad na 76.
Batay ito sa anunsyo sa kaniyang social media page at kumpirmasyon ng kaniyang opisina.
Ngayong araw, ikatlo ng Oktubre, namayapa ang mambabatas.
Wala namang detalyeng ibinigay sa kung ano ang ikinasawi ng kongresista.
Wala rin detalye pang ibinigay ang pamilya tungkol sa burol at internment ng Palawan representative.
Bagamat nagpaabot sila ng pasasalamat sa mga sumuporta sa pagseserbisyo ni Hagedorn at sa mga nagpaabot na ng panalangin at pakikiramay. | ulat ni Kathleen Jean Forbes