Mga komokontra sa Confidential Fund, ayaw sa kapayapaan, kaya’t sila ay kalaban ng bansa – VP Sara

Facebook
Twitter
LinkedIn

Confidential Fund, mahalaga para sa pagmentena ng seguridad sa pamamagitan ng pagbibigay ng pondo upang agad marespondehan ang mga hindi inaasahang mga hamon, mapa terorismo, krimen o ang pangangalaga sa kaligtasan ng bansa, ito ang binigyang diin ni Vice President Sara Z. Duterte sa kanyang mensahe sa pagdalo sa 122nd Police Service Anniversary sa Regional Headquarters ng Police Regional Office 13.

Sa pag-unlad ng bansa, kinakailangan ring bigyang prayoridad na pangalagaan ang kapakanan ng bawat mamamayan at bantayang mabuti na masustene ang peace and order.

Mahalaga rin anyang maprotektahan ang edukasyon ‘at all cost’ upang malaya at walang takot na makapagpatuloy sa kanilang pag-aaral ang mga estudyante.

Samantalang mas uunlad pang lalo ang mga negosyo kung ang pamayanan ay tumatamasa ng kapayapaan.

Bwelta naman ni Vice President Sara, ang mga komokontra sa Confidential Funds, ay hindi sang-ayon na makamit ang kapayapaan, kaya’t sila ang kalaban ng bayan.| ulat ni Jocelyn Morano| RP1 Butuan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us