48 ospital sa NCR, sumailalim sa inspekson ng ARTA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Aabot sa 48 ospital sa Metro Manila ang sumalang sa isang linggong inspeksyon ng Anti-Red Tape Authority (ARTA) para siyasatin ang kanilang pagsunod sa Republic Act 11032 o ang Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Act of 2018.

Sa ilalim ng batas, inaatasan ang mga tanggapan ng gobyerno kabilang ang mga pampublikong ospital, na sumunod sa mga probisyon ng batas tungkol sa anti-red tape at kadalian sa paggawa ng negosyo.

Pinangunahan ng Compliance Monitoring and Evaluation Office (CMEO) ang pag-iikot sa mga public hospital sa NCR kung saan kasama sa minonitor ang mga impormasyon pagdating sa procedures, prerequisites, at processing time ng bawat ospital sa pag-aasikaso sa mga aplikasyon para sa medical assistance.

Ilan sa mga ospital na inikot ng ARTA ang National Kidney and Transplant Institute (NKTI) pati ang Quirino Memorial Medical Center.

Paliwanag pa ng ARTA, mahalaga ang inisyatibong ito para sa bubuuing Executive Order (EO) na magsasaayos sa proseso ng medical assistance applications sa lahat ng pampublikong ospital sa bansa. | ulat ni Merry Ann Bastasa

📷: ARTA

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us