Nasa ₱400-M halaga ng hinihinalang shabu, nasabat sa isang warehouse sa Pasay City

Facebook
Twitter
LinkedIn

Narekober ng NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), at Bureau of Customs (BOC) ang nasa ₱400-million pesos na halaga ng hinihinalang shabu sa isang warehouse sa Pasay City.

Ayon sa BOC, dumating ang mga package mula sa bansang Guinea sa West Africa na idineklarang naglalaman ng mga pulley.

Dahil sa kahina-hinalang larawan na nakita matapos idaan ang mga package sa X-ray, nagsagawa ng physical examination ang Customs officer at positibong natagpuan ang 58.93 kilograms ng pinaniniwalaang shabu.

Arestado naman ang dalawang lalaki na pawang mga taga-Maynila, kabilang ang isa umano’y consignee ng mga package.

Mahaharap sila sa mga kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act at Customs Modernization Act.

?: BOC

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us