Multiple motorcycle collision sa Laguna, pinaiimbestigahan ng LTO Chief

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ipinag-utos na ni Land Transportation Office (LTO) Chief Vigor Mendoza II ang masusing imbestigasyon sa banggaan ng mga motorcycle sa Sta. Rosa City sa Laguna, noong Linggo ng madaling araw na ikinasawi ng isa katao.

Partikular na inatasan ni Mendoza ang LTO Region 4-A na mag-isyu ng show cause order laban sa sangkot na motorcycle riders.

Batay sa ulat ng LTO Central Office, ang aksidente ay kinasangkutan ng apat na motorsiklo at isang bisikleta sa Barangay Aplaya sa Sta. Rosa City.

Nag-udyok kay Mendoza para paimbestigahan ang kaso ay dahil lahat ng mga rider ay walang suot na helmet nang mangyari ang insidente.

Patay sa aksidente ang back rider na nasagasaan ng motorsiklo na isinugod pa sa Sta. Rosa Community Hospital.

Sinabi ni Mendoza, na nilabag ng mga motorcycle rider ang Republic Act 10054, na nag-uutos sa pagsusuot ng helmet kabilang ang back rider. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us