Dating pulis na suspek sa kasong pagpatay, arestado ng PNP-IMEG

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hawak na ng Philippine National Police-Integrity Monitoring and Enforcement Group (PNP-IMEG) ang isang dating pulis na matagal nang pinaghahanap ng mga awtoridad.

Ito ay makaraang silbihan ng warrant of arrest ang dating pulis na kinilalang si Jayvee Rommel Vicencio, na may dating ranggong corporal at itinuturing na suspek sa kasong pagpatay.

Batay sa ulat ng PNP-IMEG, nasakote si Vicencio sa ikinasang operasyon ng mga tauhan ng IMEG-National Capital Region Field Unit sa pinagtataguan nito sa Brgy. San Isidro Rodriguez, Rizal.

Dahil dito, naibalik na ng mga tauhan ng PNP-IMEG ang warrant of arrest kay Caloocan City Regional Trial Court Branch 232 Judge Rosalia Hipolito Bunagan kung saan, walang inirekomendang piyansa rito. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us