Isinagawa ngayong hapon ang groundbreaking ceremony ng itatayong pabahay para sa mga maaapektuhan ng PNR South Long-Haul Project sa San Pablo, Laguna.
Pinangunahan ni Transportation Secretary Jaime Bautista ang aktibidad kasama ang ilan pang opisyal ng Department of Transportation (DOTr), National Housing Authority (NHA), at Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD).
Sa mensahe ni Bautista, tiniyak nito sa mga residente na maaapektuhan ng proyekto na mabibigyan sila ng maayos at magandang pabahay ng pamahalaan.
Sa ilalim ng proyektong pabahay, mahigit 3,000 mga housing unit ang itatayo para sa mga residente sa Quezon, San Pablo, Tiaong, Candelaria, at Pagbilao.
Hinikayat naman ni Bautista ang mga benepisyaryo, na alagaan ang ibibigay na pabahay ng pamahalaan.
Target na matapos ang konstruksyon ng PNR South Long-Haul Project sa susunod na taon, at magsisimula ang operasyon sa 2025.
Kapag natapos ang proyekto, inaasahang mapapaiksi nito ang biyahe mula Manila hanggang Bicol ng apat na oras mula sa kasalukuyang 12 oras. | ulat ni Diane Lear