Kung ang Philippine National Police (PNP) ang tatanungin, payapa sa pangkalahatan ang ikinasang tigil-pasada ng ilang grupo ng pang transportasyon, ngayong araw.
Ayon kay PNP Chief, Police General Benjamin Acorda Jr., may sapat silang assets na nakaantabay sa mga lugar na apektado ng tigil-pasada.
Bagaman may ilang ruta ang apektado, sinabi ni Acorda na naging maagap naman sa kabuuan ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan gaya ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at mga lokal na pamahalaan.
Kasunod nito, nanawawagan si Acorda sa mga nag-organisa ng tigil-pasada na huwag nang tangkaing lumabag sa batas tulad ng pambabato at pamimilit sa kanilang mga kapwa tsuper, dahil tiyak may kalalagyan ang mga ito. | ulat ni Jaymark Dagala