12 suspek sa hazing na ikinamatay ng graduating criminology student ng PCCr, natukoy na ng QCPD

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kilala na ng Quezon City Police District (QCPD) ang 12 suspek na sangkot sa hazing na ikinamatay ng 4th year student ng Philippine College of Criminology (PCCr) na si Ahldryn Leary Bravante.

Inihayag ito ni QCPD Director Police Brigadier General Red Maranan, kasunod ng nagpapatuloy na imbestigasyon ng pulisya sa panibagong kaso ng hazing sa bansa.

Ayon kay General Maranan, bukod sa apat na hawak na ng QCPD ay mayroon pang walong natukoy sa pamamagitan ng kanilang mga alias.

Inaalam pa ng QCPD kung pawang mga miyembro ng Tau Gamma Phi Fraternity ang mga suspek.

Apat na empty bottled water ang nasamsam ng QCPD sa abandonadong gusali, na magsisilbing ebidensya na isasailalim sa DNA test para matukoy ang mga suspek.

Sa inisyal na imbestigasyon ng QCPD Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU), bukod sa mga paso ng sigarilyo ay 60 paddle hits o palo sa katawan ang tinamo ng biktima na siya nitong ikinamatay. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us