10 peliluka sa Metro Manila Film Festival 2023, inilabas na ng MMDA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inihayag na sa publiko ang 10 pelikula na pasok sa 49th Metro Manila Film Festival.

Sa ginanap na pulong balitaan, pinangalanan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang mga mapapanood na MMFF movies simula sa December 25, 2023 hanggang sa January 7, 2024 sa mga sinehan sa buong bansa.

Kabilang sa mga official entry, at batay na rin sa rekomendasyon ng Selection Committee ng MMFF Executive Committee ang mga pelikulang:

1. When I Met You in Tokyo

2. Becky and Badette

3. Mallari

4. Firefly

5. Broken Hearts Trip

6. Gomburza

7. Family of Two

8. Kampon

9. Penduko

10. Rewind

Ayon kay MMDA Acting Chairperson Atty. Don Artes, isasagawa naman ang Parade of Stars sa apat na lungsod o ang CAMANAVA area sa December 17, at ang Gabi ng Parangal ay isasagawa sa December 27.

Kabilang din sa natalakay kanina, ang gagawing pagpupulong ng mga cinema operator upang mapag-usapan din ang posibleng pagbibigay ng ticket discount sa mga estudyante at mga senior citizen. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us