Mahigit P20M halaga ng shabu, nasabat sa Bacolod City

Facebook
Twitter
LinkedIn

Mahigit 3 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng mahigit P20.5 milyones ang nasabat ng City Drug Enforcement Unit sa ikinasang buy-bust operation sa Purok Neptune, Barangay Singcang Airport, Bacolod City.

Arestado sa operasyon si Jummel Camento alyas Tata na isang high value target drug personality.

Ayon kay Bacolod City Police Office Director P/Col. Noel Aliño, ang nasabing operasyon ay dumaan sa masusing intelligence and casing surveillance para maaresto ang suspek at makuha ang bulto-bultong shabu.

Layon ng pinalakas ng intelligence monitoring ng BCPO na maging drug free ang selebrasyon ng Masskara Festival kung saan ngayong Linggo ang highlights.

Binalaan naman ni Aliño ang mga tulak ng droga na nagbabalak magpapasok ng shabu sa Bacolod City na huwag na nila ituloy dahil mahuhuli lang sila ng mga awtoridad.

Ang nasabing operasyon ng BCPO ay pinakamalaking huli ng kapulisan sa Western Visayas ngayong taon 2023. | ulat ni Paul Tarrosa| RP1 Iloilo

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us