PDP-Laban Legislators, nagkausap hinggil sa paano uusad ang panukalang charter change

Facebook
Twitter
LinkedIn

PDP-Laban legislators, nagkausap hinggil sa paano uusad ang panukalang charter change

Nagkaroon ng pulong sa pagitan ng mga mambabatas at senador mula sa partidong PDP-LABAN kaugnay sa usapin ng charter change (cha-cha).

Pagbabahagi ni Leyte Representative Richard Gomez, kabilang sa kanilang napag-usapan ay ang paraan ng pag-amyenda sa Saligang Batas, ano ang babaguhin sa konstitusyon at paano ang paraan ng botohan.

Aniya, suportado at mas kinikilingan ng mga kasamahan sa PDP-Laban ang constituent assembly kaysa sa constitutional convention na itinutulak ng Kamara.

Suportado naman nito ang pag-amyenda sa economic provisions lamang ng konstitusyon habang dapat ay hiwalay na magbotohan ang Senado at Kamara patungkol dito.

Kasama ni Gomez sa pulong sina Senator Robinhood Padilla na siyang chair ng Committee on Amendments and Revision of Codes ng Senado.

Inaasahan na maglalabas ng pormal na posisyon ang PDP hinggil sa usapin. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us