Bangkay ng nasawing Negrense OFW sa sorpresang pag-atake ng Hamas group sa Israel, dumating na sa Negros Occidental

Facebook
Twitter
LinkedIn

Dumating na sa Negros Occidental ang bangkay ng ikatlong overseas Filipino worker (OFW) na namatay sa sorpresang pag-atake ng Hamas group sa Israel.

Sa panayam ng Radyo Pilipinas kay Marie June Castro, Executive Assistant ni Negros Occidental Governor Eugenio Jose Lacson, sinabi nito na dumating sa lalawigan ang bangkay ng nasawing caregiver na si Loreta “Lorie” Villarin Alacre, Linggo, October 22.

Mula sa Maynila, ipinadala ang bangkay ni Alacre sa punerarya sa Cadiz City.

Sa panayam ng Radyo Pilipinas Iloilo kay Overseas Workers Welfare Administration (OWWA)-6 OIC Regional Director Rizza Joy Moldes, alas-4 o alas-5 ng hapon Lunes, Oktubre 23, ilalabas ang bangkay ni Alacre sa punerarya at diretsong dadalhin sa kanilang tahanan.

Isang hero’s welcome, programa at misa ang gaganapin bilang pagkilala sa sakripisyo ni Alacre sa pagtatrabaho sa labas ng bansa.

Dagdag pa ni Moldes na personal na dadalo si OWWA Administrator Arnell Ignacio sa pagtanggap ng bayani.

Bago magtrabaho ng 6 na taon sa Israel, nagtrabaho rin si Alacre sa Taiwan.

Samantala, sinabi ni Moldes na ang OWWA ay nagbigay ng burial assistance, at magbibigay din ng financial assistance, at iba pang tulong tulad ng pagkain, pangagailan sa lamay, scholarship at livelihood assistance sa kapatid na nagmula din sa ibang bansa.| ulat ni Merianne Grace Ereñeta| RP1 Iloilo

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us