Person of interest sa pagkawala ng Batangas beauty queen, natukoy na ng PRO-Calabarzon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Mayroon nang natukoy na person of interest ang Police Regional Office (PRO) Calabarzon, sa pagkawala ng Beauty Queen na si Catherine Camilon.

Ayon kay PRO-Calabarzon Regional Director PBGen. Paul Kenneth Lucas, inaasahan nilang makakapagbigay ng impormasyon ang naturang person of interest sa kinaroroonan ng Beauty Queen.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang isinasagang operasyon ng mga pulis para matunton ang lugar na kinaroroonan ni Camilon.

Tiniyak naman ng PRO-Calabarzon na gagawin nila ang lahat para maiuwi nila ng ligtas ang dalaga.

October 12 pa napaulat ang pagkawala ni Camilon na kumatawan sa Batangas sa Miss Grand Philippines 2023 pageant. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us