Apat na iligal na e-lotto operators, inireklamo ng PCSO

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naghain ng reklamo ngayong araw sa Mandaluyong City Prosecutor’s Office ang Philippine Charity Sweepstakes Office o PCSO.

Laban ito sa apat na electronic o e-Lotto na iligal na nag-ooperate sa iba’t ibang bahagi ng bansa at nakapag-remit ng 4.7 bilyong piso sa isang kumpanya.

Ayon kay PCSO General Manager Mel Robles, kabilang sa kanilang inireklamo ay ang Eplayment Corporation, Paymero Technologies Limited, GlobalComRCI International at Blockchain Smart-Tech Co. IT Consultancy.

Pawang paglabag sa Revised Penal Code partikular na ang Usurpation of Authority gayundin sa RA 1169 o ang Sweepstakes Charter ang inihain laban sa apat na kumpanya.

Mula aniya nang magsimula itong mag-operate noong Abril ng nakalipas na taon hanggang Setyembre ng taong ito, sinabi ni Robles na malaki na ang ikinalugi ng pamahalaan.

Dahil bukod sa walang physical ticket na binibigay at ipinagbabawal ng batas, wala rin itong pisikal na bola at sa halip ay sinusunod lang nito ang resulta ng Lotto ng PCSO.

Kaya naman nagpasaklolo na ang PCSO sa NBI para manmanam ang operasyon nito at tuluyan nang papanagutin sa batas. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us