DepEd, kinondena ang nakakaalarmang aktibidad ng NPA sa Masbate

Facebook
Twitter
LinkedIn

Mariing kinondena ng Department of Education (DepEd) ang nakakaalarmang aktibidad ng communist rebels sa Masbate na nakaaapekto na sa larangan ng edukasyon sa lalawigan.

Sa isang statement, sinabi ni DepEd Spokesperson Atty. Michael Poa na nagdulot ng trauma sa mga mag-aaral, guro, at school personnel ang mga insidente ng karahasan at terorismo na likha umano ng New People’s Army (NPA).

Patuloy aniyang tututulan ng DepEd ang mga naturang gawain kasabay ng commitment na maihatid ang basic education para sa lahat kasama na ang disadvantaged areas.

Kaugnay nito, inatasan ng ahensya ang Regional Office 5 at Schools Division Office Masbate na siguruhin ang learning continuity at iwasan ang “blanket class suspensions”.

Ipinauubaya naman sa mga principal ang paglipat sa blended learning matapos ang assessment at wastong koordinasyon sa local government unit base sa peace and order situation at mental health ng mga estudyante at personnel.

Hinimok ni Poa ang publiko na manatiling mapagmatyag kontra terorismo at karahasan.  | ulat ni Hajji Kaamiño

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us