Manhunt operation sa mga suspek sa insidente ng pagpaslang sa kandidato sa BSKE sa lungsod ng Masbate, ipinag-utos ng PNP Bicol

Facebook
Twitter
LinkedIn

Agad na ipinag-utos ni Pol. Brig. Gen. Westrimundo D. Obinque, PNP Bicol Regional Director ang manhunt operation sa mga suspek sa pagpaslang  sa kandidato sa pagka  Barangay Kagawad, at sugatan na Punong Barangay ng Brgy. Maingaran, Masbate City.

Kinilala ang mga biktima na sina, Juvy Pintor y Esquillo  44, at Punong Barangay Joseph Martinez y Conrado, 59 na taung gulang.  Naganap ito, nang maka-engkwentro ng mga biktima ang grupo ng mga suspek sa isang lamayan sa lugar.

Kinilala, ang mga suspek na sina Albert Aganan a.k.a. “Pandak,” Bong Bong Aganan, Eddie Badilla, Friday Z. Inopia, Ruel Inopia a.k.a. “Bislong,” Iraq Leo Andaya, Angelo Amaro De Jesus, at Allan Amaro y Sese.  Kasamahan ang mga ito at supporters ng kalaban na kandidato ng mga biktima sa posisyong Punong Barangay.

Inihahanda na ng Masbate Police Provincial Office, ang legal na aksyon laban sa mga salarin, at ang patuloy na manhunt operation sa mga ito.

Umapela naman si Obinque sa publiko na makipagtulungan sa pulisya para maging matagumpay ang operasyon ng mga ito laban sa mga suspek, at agad na mabigyang hustisya ang mga biktima.

Lubos naman na nakikiramay ang opisyal sa pamilya ng mga biktima. | ulat ni Nancy Mediavillo | RP1 Albay

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us