COMELEC, nagsagawa ng ‘Oplan Baklas’ sa Pasay City

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinangunahan ni Commission on Elections (COMELEC) Chairperson George Erwin Garcia ang pagkakasa ng ‘Oplan Baklas’ sa ilang barangay na sakop ng Maricaban, Pasay City ngayong umaga.

Partikular na sinuyod ng COMELEC ang mga eskinita kung saan nakapaskil ang mga campaign material ng ilang kandidato sa Barangay at Sangguniang Kabataan o SK elections sa mga hindi tamang lugar.

Ilan kasi sa mga ito ay pawang nakakabit sa mga poste maging sa mga kawad ng kuryente na lubhang napakadelikado at puwedeng pagmulan ng sunog.

May ilan pang tila ginawang banderitas ang mga campaign material kaya’t matapos baklasin ay sama-sama itong kinolekta ng mga awtoridad.

Ayon kay Chairperson Garcia, hindi na maitatanggi pa ng mga kandidato ang ginawang pagkakabit ng mga ito ng campaign materials na malinaw na paglabag sa umiiral na mga panuntunan at asahang mahaharap sa kaukulang parusa ang mga ito.

Muli namang ipinaalala ng COMELEC sa mga kandidato, hindi garantiya ang kanilang pagkapanalo sa halalan dahil posible pa rin silang madiskwalipika sakaling mapatunayan ang kanilang paglabag. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us