Performance Bonus ng mga pulis, ibinigay na

Facebook
Twitter
LinkedIn

Maari nang i-withdraw sa kanilang ATM account ng mga eligible Philippine National Police (PNP) personnel ang kanilang Performance-Based Bonus (PBB) para sa Fiscal Year 2021 simula ngayong araw.

Ito ay makaraang ilabas ng Department of Budget and Management (DBM) ang Special Allotment Release Order sa PNP na nagkakahalaga ng ₱3,733,668,419 na ipapamahagi sa 220,116 PNP personnel.

Nagpasalamat naman si PNP Chief, Police General Benjamin Acorda Jr. sa pambansang pamahalaan dahil sa pagkilala sa “hard work” at dedikasyon ng mga pulis.

Ang 2021 PNP PBB ay nagkakahalaga ng 52% ng monthly basic salary ng bawat pulis as of December 31, 2021.

Hindi naman makakatanggap ng bonus ang mga pulis na mayroong final and executory judgments sa kanilang kasong administratibo at kriminal, hindi nakakuha ng “Very Satisfactory” rating sa kanyang Individual Performance Evaluation Report, mga bigong makapagsumite ng 2020 Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN), gayundin ang mga naka-vacation o sick leave sa buong taon. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us