Pagpapatupad ng number coding scheme, pinahaba pa ng MMDA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kinumpirma ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na inaprubahan na nito ang isang resolusyon na nagtatakda ng mas pinahabang oras ng Unified Vehicle Volume Reduction Program o mas kilala bilang number coding scheme

Ito ang inihayag ni MMDA Acting Chairperson, Atty. Don Artes sa ipinatawag na virtual press briefing ngayong araw, makaraang kumalat sa social media kopya ng resolusyon na pinagtibay naman ng Metro Manila Council.

Nakasaad kasi sa naturang resolusyon na gagawin nang maghapon ang pagpapatupad ng number coding scheme sa Metro Manila mula Lunes hanggang Biyernes, ala-7 ng umaga hanggang ala-7 ng gabi maliban kung holidays.

Gayunman, nilinaw ni Artes na isasailalim muna nila sa mabusising pag-aaral ang pagpapatupad ng maghapong number coding simula Nobyembre 6 hanggang 12.

Dagdag pa ni Artes, hindi na bago ang pagpapatupad ng maghapong number coding dahil ito naman na ang kanilang pinairal noong bago pa lamang tumama ang pandemiya. Sa kasalukuyan kasi, pinaiiral ang number coding mula ala-7 hanggang alas-10 ng umaga at masusundan naman mula ala-5 ng hapon hanggang alas-8 ng gabi. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us