Sumampa na sa 22 ang bilang ng mga naitatalang insidente ng karahasan na may kinalaman sa nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan (BSK) Elections sa October 30.
Ayon kay Philippine National Police (PNP) Public Information Office Chief, Police Colonel Jean Fajardo, 13 sa mga ito ay pawang mga kaso ng pamamaril, dalawa ang pagdukot, isa ang grave threat, dalawang light threat, isa ang robbery with intimidation at violation of domicile, isang discriminate firing, isang armed encounter, at isang harassment.
Pag-uulat pa ni Fajardo, lima sa mga naitalang Election Related Incident ay nangyari sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), apat sa Cordillera Administrative Region, tig-3 sa Eastern Visayas at Northern Mindanao, tig-2 kaso naman ang naitala sa Bicol Region at Central Visayas habang tig-1 ang naitala sa Ilocos Region, CALABARZON, gayundin sa Zamboanga Peninsula.
Gayunpaman, sinabi ni Fajardo na madaragdag na sa bilang ang pinakahuling insidente sa Cotabato City kung saan tatlo ang nasawi. | ulat ni Jaymark Dagala