Nasa 182 benepisyaryo ng Unlad Pamilyang Bangsamoro Program sa Turtle Islands ang tumanggap ng monetized rice subsidy mula sa tanggapan ng MSSD BARMM.
Ang nasabing subsidiya ay nagkakahalaga ng P7,200 mula sa buwan ng Hulyo-Disyembre taong kasalukuyan.
Layon ng naturang programa na matulungan ang 5% ng kabuuang populasyon ng mahihirap sa rehiyong BARMM.
Samantala, maliban sa sabsidyong bigas, kasama rin sa programa ang kasanayan, pangkabuhayang negosyo at tulong medikal.
Ikinagalak ito ng mga benepisyaryo kahit papaano ay malaki ang maitulong nito sa kanilang naghihirap na pamilya. | ulat ni Laila Sharee Nami | RP1 Tawi-Tawi
📷: MSSD