BJMP, handa na para sa pagboto ng mga PDL sa Lunes

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nasa 31,100 na Persons Deprived of Liberty (PDL) ang maaaring bumoto sa gaganaping Barangay at Sangguniang Kabataan Election (BSKE) sa Lunes (October 30).

Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni BJMP Spokesperson Insp. Jayrex Bustinera na 29,000 sa mga ito, sa special polling precinct ng COMELEC sa loob ng mga bilangguan boboto.

Magiging katuwang rin aniya nila ang PNP para sa pagdala at pagbabalik ng mga balota, mula at patungo sa mga komunidad.

Nasa 1, 900 na PDL naman ang dadalhin ng mga tauhan ng BJMP sa mga barangay o community precinct upang makaboto.

“Ito po ay ang mga may pending cases pa at hindi pa po sila convicted ng final judgment o hindi pa nahahatulan ng final judgment sa kanilang mga kaso kaya mayroon pa rin po silang karapatan na bumoto.” — Bustinera.

Ayon sa opisyal, nakapagsagawa na sila ng dry run, at handang -handa ang kanilang hanay upang asistehan ang mga PDL sa pagboto. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us