Pasig LGU, naglabas ng traffic re-routing para sa nalalapit na UNDAS

Facebook
Twitter
LinkedIn

Magpapatupad ng one way at traffic re-routing scheme ang Pamahalaang Lungsod ng Pasig para sa mga magtutungo sa sementeryo para sa darating na Undas.

Batay sa inalabas na abiso ng Pasig Local Government, simula alas-2 ng hapon ng Oktubre 31 hanggang sa mismong araw ng Undas, Nobyembre 1, magiging one-way ang C. Raymundo Avenue northbound.

Sakop nito ang panulukan ng mga kalye ng E. Angeles hanggang sa Mercedes Avenue.

Paalala naman ng pamahalaang lungsod sa mga pupunta ng sementeryo, kolumbaryo at memorial park, bawal ang anumang inuming nakakalasing, pagdadala ng baril at kahit anong uri ng patalim o matutulis na bagay.

Bawal din ang pagsusugal at pagdadala ng mga kagamitan na makakalikha ng ingay o malakas na tunog.

Pinapayuhan din ang mga indibidwal na may flu-like symptoms, iwasan ang pagbisita sa mga sementeryo, memorial park at kolumbaryo na manatili na lamang sa mga tahanan upang maiwasan ang paglaganap ng sakit.

Magdala ng mga panangga sa init at ulan gayundin ng sapat na inumin at pagkain kung magtatagal.

Samantala para matiyak ang kaayusan, ang bawat sementeryo, memorial park, at kolumbaryo sa lungsod ay may nakatakdang First Aid Tent at PNP Police Desk na matatagpuan malapit sa entrance. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us