Nagpaabot ng tulong ang Office of the Vice President (OVP) sa mga naging biktima ng sunog sa public market sa Baguio City, noong Marso 11.
Sa pamamagitan ng OVP-Disaster Operations Center at Dagupan Satellite Office, nagkaloob ang tanggapan ng relief assistance sa 1,415 families o 5,340 individuals na naapektuhan ng sunog.
Nasa 1,500 Relief for Individuals in Crisis and Emergencies (RICE) food boxes ang ipinamahagi sa mga biktima mula sa 151 barangay.
Tumulong din ang Baguio City Social Welfare and Development Office sa distribusyon.
Batay sa ulat, tinatayang P24 million ang halaga ng pinsala sa mga ari-arian sa nangyaring sunog sa Kayang-Hilltop. | ulat ni Hajji Kaamiño