Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na nananatiling kontrolado nila ang sitwasyon na may kaugnayan sa pagdaraos ng Barangay at Sangguniang Kabataan elections (BSKE) sa Lunes, Oktubre 30.
Sa pulong balitaan sa Kampo Crame ngayong araw, muling iginiit ni PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. na “on top of the situation” ang PNP para sa BSKE.
Bagaman may ilan silang naitatalang mga insidente ng pamamaril subalit itinuturing lamang ito ng PNP na isolated incidents.
Tatlong araw bago ang mismong araw ng eleksyon, sinabi ni Acorda na generally peaceful naman ang sitwasyon sa buong bansa.
Gayunman, hinihiling ng PNP Chief ang pakikiisa ng publiko dahil hindi naman lahat ng oras ay nasa lahat ng lugar ang pulisya.
Hamon naman ni Acorda sa mga tauhan nito, ipakita sa taumbayan ang pasasalamat sa pamamagitan ng tama at tapat na palilingkod, dahil sa malaking tiwalang ibinibigay ng mamamayan sa kanila. | ulat ni Jaymark Dagala