COMELEC, DILG, PNP at Manila LGU, sabay-sabay na nagbaklas ng illegal campaign materials sa Smokey Mountain

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagsanib pwersa ang apat na ahensya ng gobyerno para baklasin ang campaign posters ng mga kandidato sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election na iligal na ikinabit sa mga hindi awtorisadong lugar sa Smokey Mountain sa Maynila.

Nanguna sa mismong pagbabaklas sina COMELEC Chairperson George Erwin Garcia, DILG Sec. Benhur Abalos, NCRPO Chief Major General Melencio Nartates at Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan.

Tinumbok ng grupo ang Barangay 128 sa Smokey Mountain dahil dito nagkaroon ng maraming nakakabit na mga tarpaulin na wala sa common poster area.

Ngunit nagulat ang mga opisyal nang mapansin nila na kakaunti lamang ang mga tarpaulin na wala sa tamang lugar.

Ayon kay Chairperson Garcia, patunay lamang ito na karamihan sa mga kandidato ay sumusunod na ngayon sa itinatakda ng Omnibus Election Code.

Pinuri naman nina Sec. Abalos, Mayor Lacuna ang COMELEC at PNP dahil sa pagpapatupad ng mga alituntunin na may kinalaman sa election law.

Samantala, nagbabala si Sec. Abalos sa mga kandidato na patuloy na sundin ang mga gabay ng COMELEC upang hindi maakasuhan ng paglabag sa batas.

Sa ngayon, nasa mahigit 7,000 mga kandidato ang napadalhan ng show cause order ng COMELEC dahil sa mga paglabag.

Ayon sa COMELEC, maliit na porsyento lamang ito kung ikukumpara sa mahigit 1.4 million na mga kandidato sa buong bansa. | ulat ni Michael Rogas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us