Mga kultura, produkto ng Davao Region, itinatampok ng 75 MSMEs sa Expo sa Makati City

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nasa 75 Micro, Small and Medium Enterprises (MSMEs) mula sa Davao Region ang lumahok sa nagpapatuloy na “Mindanao Trade Expo (MTE) 2023 Goes to Glorietta” na ginaganap sa Palm Drive Activity Center, Glorietta by Ayala Malls sa Makati City.

Mayroon itong temang, “Buy Local, Support MSMEs.” 

Ang expo ay nagpapakita ng iba’t iba at unique offerings ng mayamang kultura, mga karanasan, destinations, at food supply mula sa Mindanao.

Bukod diyan ay mayroon ding bagong product prototypes na hina-highlight sa five-day event.

Nagsimula ang Expo noong Miyerkules, October 25, at magwawakas sa October 29, 2023.  | ulat ni Nenita Escarpe | RP1 Davao

📸: DTI Davao Region

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us