Ilocos Norte PRO, nagpaalala sa publiko sa ipapatupad na curfew hours

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinaalalahanan ng Ilocos Norte Police Provincial Office (INPO) ang publiko sa ipapatupad na curfew mamayang alas-diyes ng gabi hanggang alas-kuatro ng madaling araw bukas, Oktubre 30.

Ayon kay Police Capt. Mark Juan, legal officer ng INPPO, hindi sakop ng curfew ang mga kawani ng COMELEC at COMELEC-authorized personnel, Health Workers at Hospital personnel sa parehong pribado at pampubliko, government officials, Law enforcers, Private individuals na may emerhensiya at mga essential establishments kagaya ng mga hospital, pharmacies, food houses, call centers at iba pang essential establishments.

Ipinaliwanag ni Juan na naatasan ang PNP na ipatupad ang curfew kung saan saklaw ito ng Article 151 ng Revised Penal Code partikular sa “Disobidience” sa pwede kaharapin ng mga maaaktuhang lalabag.

Samantala, sinabi naman ni P/Maj. Jephre Taccad na wala pa namang nahuhuling lumabag sa liquor ban ngunit hindi titigil ang kapulisan na manghuli sa maaaktuhang lalabag.

Ang Executive Order no. 244-23 ay inilabas ni Ilocos Norte Gov. Matthew Marcos Manotoc.| ulat ni Ranie Dorilag| RP1 Laoag

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us