Aabot sa 18,392 mga botante ng Central Enlisted Men’s Barrio o CEMBO Elementary School ang nakilahok para sa Barangay at Sangguniang Kabataan o SK elections sa taong ito.
Ayon sa Principal ng CEMBO Elementary School na si G. Ryan de Luna, aabot sa 14,440 rito ang mga botante para sa barangay habang nasa 3,952 naman ang mga botante para sa SK at binubuo ng 39 clustered precints.
Alas-7 ng umaga nagsimula ang botohan kung saan mayroong, pero ayon kay Principal de Luna, maliliit na hamon lamang ang kanilang kinaharap.
Kabilang na rito ang ilang mga senior citizen, buntis at mga Person with Disabilities (PWDs) ang maagang nagtungo dahil sa pag-aakalang kasama sila sa early voting.
Maagap naman ang mga volunteer mula sa Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) para umalalay sa mga botante na nahihirapang hanapin ang kanilang presinto.
May ilan ring nalito dahil may ilang botante ng Makati Science High Shool ang napunta sa CEMBO Elementary School dahil inakala nila na dito pa rin sila naka-presinto. | ulat ni Jaymark Dagala