Iniulat ni Philippine National Police (PNP) Public Information Office Chief Police Col. Jean Fajardo na 98% na ng polling precincts ang nagbukas as of 10 AM ngayong umaga.
Base ito sa huling datos na pumasok PNP Monitoring Center sa Camp Crame.
Ito’y mula sa 93.1% o as of 8 AM na unang iniulat ni PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. sa pulong balitaan sa Camp Crame ngayong umaga.
Tiniyak naman ni Gen. Acorda na patuloy na naka-monitor ang PNP sa sitwasyon sa buong bansa hanggang sa pagsasara ng polling precincts mamayang hapon.
Ayon sa PNP Chief, sa kabila ng ilang mga pinaghihinalaang election-related incidents na na-monitor sa loob ng nakalipas na 9 na araw na campaign period, hindi ito nagkaroon ng malaking epekto sa pangkalahatang seguridad ng halalan. | ulat ni Leo Sarne