PNP Chief, muling umapela sa publiko na ‘wag ipagbili ang kanilang boto

Facebook
Twitter
LinkedIn

Muling umapela si PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. sa mga mamamayan na ‘wag ipagbili ang kanilang boto.

Sa pulong balitaan sa Camp Crame, sinabi ng PNP Chief na sagrado ang bawat boto at dapat hadlangan ang anumang tangkang ikompromiso ang integridad ng demokratikong proseso.

Sa huling ulat ng PNP Monitoring Center ngayong umaga, umaabot na sa 17 kaso ng ‘vote buying’ ang naitala, kung saan tig-3 dito ang Regions 1 at 12, dalawa sa Region 6 at tig-isa sa Regions 2, 3, 4A, 4B, 7, 9, 10, BAR at NCRPO.

Ang mga impormasyon tungkol sa ‘vote buying’ ay agad na ipinarating ng PNP sa Commission on Elections (COMELEC) para sa kaukulang aksyon.

Sinabi rin ng PNP Chief na bilang pangontra sa ‘vote buying’, sinimulang ipatupad ng PNP ang “money ban”, dalawang araw na ang nakalipas. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us