Mahigit 1,000 PDL ng Quezon City Jail, bumoto sa BSKE

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kabuuang 1,234 Persons Deprived of Liberty (PDL) ng Quezon City Jail Male Dormitory ang kabilang din sa mga bumoto para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election ngayong araw.

Sa kabuuang bilang, 645 PDLs na pinalaya na ang inaasahan ding makakaboto ngayong araw sa mga polling precinct sa kani-kanilang komunidad.

Habang ang 589 natitirang PDL voters ay bumoto sa siya na ‘special polling place’ para sa District 1 hanggang 6 na itinatag sa loob ng jail facility.

Ayon kay Jail Warden Jail Supt. Michelle Ng Bonto, nagpapatuloy pa ang botohan sa loob ng pasilidad.

Naging payapa at maayos ang ginaganap na halalan sa loob ng pasilidad mula nang pasimulan kaninang umaga.

Sinabi pa ni Jail Supt. Bonto, nananatiling nakataas sa Red Alert Status ang lahat ng jail facility sa National Capital Region mula kahapon hanggang bukas. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us