Mga Las Piñero, masaya sa ginawang mall voting sa kanilang lungsod

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tinatayang nasa 1, 602 na mga Las Piñero mula sa Brgy. Talon 3 ang lumahok at nakiisa sa kauna-unahang mall voting para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa Las Piñas City ngayong araw.

Ayon kay G. Francisco Corpin, ang Principal ng Las Piñas City Technological Vocational Highschool, karamihan sa mga botanteng nagtungo sa Robinsons Mall ay mga senior citizen gayundin ang mga kabataang first time voter para sa SK.

Alas-6:30 pa lamang kaninang umaga, nakapila na ang mga nagnanais bumoto at naghintay para sa pormal na pagbubukas ng mga presinto kasabay ng pagbubukas ng mall.

Sa pagtatanong ng Radyo Pilipinas sa mga katatapos lang bumoto, sinabi ng mga ito na masaya sila na may ganitong hakbang ang COMELEC.

Bukod anila sa malamig at kumportable silang naghihintay, maaari na rin silang dumiretso sa iba pa nilang pupuntahan gaya ng pagkain o di kaya’y mamili ng mga kinakailangan matapos bumoto. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us