Isang kumakandidatong Barangay Chairman sa Bayan ng Butig, patay sa insidente ng pamamaril

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hindi pa nagsisimula ang botohan sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election (BSKE) nitong umaga ng October 30, 2023 bandang 6:25 a.m. ay nabaril si Jamal Bao o mas kilala sa pangalang “Madid” na asawa ng kasalukuyang punong-barangay sa Brgy. Poctan ng Butig sa loob ng Bayabao Central Elementary School voting center.

Kinilala ang suspek na si Jamail Nanggay Bao na tumatakbong kandidato pagka punong-barangay sa parehong barangay at kapatid ng biktima.

Base sa initial investigation ng Butig Municipal Police Station, habang nakatayo ang biktima sa nasabing lugar at naghihintay na bumoto ay nagharap ang biktima at umano’y suspek na humantong sa suntukan hanggang sa may narinig na lamang ng putok ng bala at tumama ito sa bandang dibdib ng biktima.

Ayon kay PCol. Robert Daculan ng Provincial Police Office ng Lanao del Sur, ideniklarang patay ang biktima sa pinakamalapit na ospital kung saan siya agad na dinala ng mga kaanak.

Ang umano’y suspek ay nasa temporary costudy ng 51st Infantry Battalion ng Philippine Army. Nagsasagawa na ngayon ng masusing imbestigasyon ang Alert team ng Butig MPS para sa tamang disposisyon.| ulat ni Johaniah N. Yusoph| RP1 Marawi

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us