Ilang kalsada sa Navotas na malapit sa mga sementeryo, isasara ngayong Undas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Muling nagpaalala ang Navotas local government sa ipatutupad na traffic scheme ngayong Undas sa ilang sementeryo sa lungsod.

Inabisuhan nito ang mga motorista na pansamantalang isasara ang Gov. Pascual St. (Bacog hanggang A. Santiago St.) mula mamayang alas-12 ng tanghali hanggang alas-12 ng hatinggabi sa November 2.

Ito ay para bigyang daan ang dagsa ng mga bibisita sa mga sementeryo sa lungsod kabilang ang Navotas Catholic Cemetery, at Immacutae Garden Memorial Park.

Lahat ng sasakyang papasok at palabas ng Navotas ay inabisuhang dumaan ng M. Naval St. papuntang C4 Road.

Kaugnay nito, muli ring pinaalalahanan ang mga bibisita sa mga sementeryo sa mga ipinagbaawal na dahlhin kabilang ang mga inuming nakakalasing, kahit anong uri ng patalim o matutulis na bagay at mga bagay na nakakasakit at mga kagamitang lumilikha ng malakas na ingay. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us