Punong ministro ng Japan, haharap sa Filipino lawmakers ngayong Nobyembre

Facebook
Twitter
LinkedIn

Haharap sa ating mga mambabatas ang punong ministro ng Japan.

Sa November 4 ay magdaraos ng Special Joint Session ang Kamara at Senado, alas-10 ng umaga, para salubungin at tanggapin si Japanese Prime Minister Fumio Kishida at kaniyang delegasyon.

Inaasahan na magtatalumpati rin ito sa harap ng Filipino lawmakers sa Batasang Pambansa.

Kinailangan magpatawag ng joint session dahil naka-break ang Kongreso at sa November 6 pa magbabalik.

Batay sa anunsyo ng DFA, ang pagbisita ng Japanese Prime Minister ay mula November 3 hanggang November 4.

Matatandaan na Pebrero ngayong taon nang magtungo si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Japan para sa limang araw na Official Visit kung saan nakadayalogo nito ang prime minister ng Japan. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us