Magkaroon ng repleksyon sa kung ano ang layunin sa buhay at paghingi ng gabay mula sa itaas.
Ito ang bahagi ng mensahe ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ngayong paggunita sa Araw ng mga Santo (All Saints’ Day) at Araw ng mga Kaluluwa (All Souls’ Day).
Sinabi ng Pangulo na sa marubdob na pagsunod sa nakagawian ng tradisyon ay naipakita ang kabuluhan ng kulturang Pilipino at ito ay ang pagbibigay ng importansiya sa ating pananampalataya at pamilya.
Nagsisilbi aniya ang araw na ito para muling makapiling ang ating mga mahal sa buhay habang nagbibigay tatag sa ating buhay espiritwal.
Magsilbi aniyang halimbawa sa bawat isa ang ipinamalas na pananalig ng ating mga ninuno upang mapagtanto ang pangako ni Jesucristo na eternal life o walang hanggang buhay.
Hinikayat din ng Pangulo na alalahanin ang tapang na ipinamalas ng ating mga santo
upang magsilbing lakas sa bawat kahirapang maaaring maranasan o kaharapin sa mundong ito. | ulat ni Alvin Baltazar