Nagsisimula nang dumagsa ang mga dumadalaw sa Manila South Cemetery ngayong umaga.
Ayon kay Manila South Cemetery Jonathan Garzo, hindi katulad dati na bente-kwatro-oras ang pagdalaw sa sementeryo ay nilimitahan na lamang sa 5am to 5pm upang maiwasan ang untoward incident sa loob ng sementeryo.
Sa ngayon ay may 10 ipinagbabawal na gamit na ang nakumpiska — tatlong sigarilyo at pitong lighter.
Tumutulong din ang Manila Police District sa pag-iinspeksyon ng mga gamit ng mga dadalaw.
Inaasahan naman ng pamunuan ng Manila South Cementery na aabot sa 500,000 na indibidwal ang tutungo dito. | ulat ni AJ Ignacio