Nagsagawa ng “synchronized candle lighting ceremony” ang Philippine Army sa Libingan ng mga Bayani sa Fort Bonifacio, Taguig para sa Undas 2023.
Ang aktibidad ay pinangunahan ng mga tauhan ng Grave Services Unit (GSU) ng Army Support Command (ASCOM) at Headquarters and Headquarters Support Group (HHSG) kasama ang mga Girl Scout at Boy Scout ng Fort Bonifacio National High School (FBNHS).
Ang sabayang pagtirik ng kandila sa mga puntod ng yumaong sundalo, bayani, national artist, siyentipiko, at dating Pangulo, ay bilang pagbibigay pugay sa kanilang “life well lived”.
Nagpahayag naman ng pakikiisa si Philippine Army Commanding General Lt. Gen. Roy M. Galido sa buong bansa sa paggunita ng Undas sa pamamagitan ng pag-aalala sa buhay at impluwensya ng mga bayaning Pilipino at mga sundalong nag-alay ng buhay para sa bayan. | ulat ni Leo Sarne
📷: Pvt Angelica M Valderrama, OACPA