Mga bagong SK official, hinimok na ipatupad ang mga batas na nagsusulong para sa karapatan at kapakanan ng mga kabataan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hinikayat ni House Committee on the Welfare of Children Chair Angelica Natasha Co ang mga bagong halal na Sangguniang Kabataan officials na ipatupad ang mga batas para makabenepisyo ang sektor ng mga kabataan.

Aniya hindi lang mga paliga, pageant at talent show ang dapat na ilunsad na programa ng mga SK.

Bagkus, dapat aniya sila maging kampeon para sa pangangalaga at proteksyon ng mga kabataan at pagkilala sa karapatan ng LGBTQIA.

Mainam din aniya na maglunsad ng anti-hazing activities, pangangalaga sa mental health at pagtugon sa ‘juvenile delinquency’ at kawalan ng trabaho.

“I congratulate the incumbents who receive their new mandate from their constituents. I invite the re-elected incumbents and the new public servants to become familiar with the many new laws Congress has passed and to implement well those relevant to their barangays.” sabi ni Co.

Payo pa ng mambabatas sa mga SK na bantayan din ang implementasyon ng mga proyektong pang-imprastraktura sa kani-kanilang barangay. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us